Masyadong maliit ang mungkahi ng DBM na P1,000 ayuda in kind, o parang relief goods, para sa mga manggagawa na maapektuhan ng ECQ. Hindi ito sapat, at ni wala pa sa kalahati ng minimum wage para sa isang linggo. Hindi ito magagamit pambayad sa kuryente at tubig.

Kung sa minimum wage ang batayan, sa P500 kada araw, sa limang araw ay P2,500 na yun. Kung ang target ay 22.9 million na tao sa ECQ area, aabot dapat ito ng P57.25 billion para isang linggo ng ECQ.

Pero ang nilaan ng gobyerno ay nasa P23 billion lamang. At “in kind” hindi cash ang ibibigay sa tao.

Ang moda ng distribution ay pwede na namang samantalahin ng mga kurap. Ibibigay ang pondo sa LGU at saka pa lamang bibili ng goods para sa distribution. Sa halip na simplehan lang ang sistema, ginawa pang mas kumplikado ang logistical requirements ng distribution.

Tapos gusto pang mag-extend ng ECQ nang wala namang maayos na ayuda? Kawawa na naman ang mga apektadong tao. Talagang palpak ang implementation, walang natutunan matapos ang isang taon. #DutertePalpak


0 Comments

Leave a Reply

Avatar placeholder

Your email address will not be published. Required fields are marked *