Kahapon ay umugong na naman ang usapan ng Charter change sa Kamara at Senado. Sa Senado ay may resolution na para sa pagbubuo ng Constituent Assembly na magbabago ng Constitution.

Bakit ito ang pagkakaabalahan ng Kongreso isang taon bago ang eleksyon at sa gitna ng pandemya?

Ang Constituent Assembly ay may napakalawig na kapangyarihan para baguhin ang Constitution. Hindi totoo na para lang sa economic provisions ito. At kahit ang pagbabago ng economic provisions ay mapanganib.

Kapag binuo ang Constituent Assembly ay pati term limits pwede na baguhin.
Term extension at no-elections ang malamang na plano. Nais ng mga proponents na manatili sila sa pwesto. Ang agenda ay Duterte forever.

Sa nagdaang taon ng krisis at pandemya, hindi Konstitusyon ang dapat palitan kundi ang mga namumuno. No to chacha and term extension.#

Categories: Statements

3 Comments

Rosalinda Apostadero · January 13, 2021 at 12:38 am

Wala tayong aasahan sa Rehimeng US-Duterte ibabaon lang tayo sa kahirapan sa laki ng kanyang utang sino ang magbabayad. Kaya dapat ng magkaisa at patalsikin na sa Malacañang.
#NOTOCHARTERCHANGE

Rosalinda Apostadero · January 13, 2021 at 12:42 am

Sa panahon ng pandemic dapat unahin ang libreng vacinne para sa mamamayan lalo na sa mahihirap di ang CHARTER CHANGE na sila lang ang makikinabang dapat ng magkaisa para patalsikin si Duterte sa Malacañang.

Rosalinda Apostadero · January 13, 2021 at 12:47 am

Wala tayong aasahan sa Rehimeng US-Duterte ibabaon lang tayo sa kahirapan sa laki ng kanyang utang sino ang magbabayad. Kaya dapat ng magkaisa at patalsikin na sa Malacañang.
#NOTOCHARTERCHANGE

Leave a Reply

Avatar placeholder

Your email address will not be published. Required fields are marked *