Paghinto sa POGO Dapat Nang Isulong

Pilipinas, maaaring maging money-laundering capital of Asia

Umaayon ang Bayan sa panawagan na ihinto ang mga POGO operations sa bansa matapos ipakita ang ugnayan nito sa samu’t saring krimen kasama na ang malakihang money-laundering.

Kahit ang ANTI MONEY LAUNDERING COUNCIL ay nagsasabi na aabot sa P14 billion halaga ng transaksyon sa POGO ay konektado sa “suspicious activities”. Sinasabing ginagamit ang POGO para sa money-laundering operations ng mga kriminal na sindikato.

Ang isyu ng money-laundering ay dagdag pa sa mga problema ng kidnapping, prostitution at pagpatay na kinasasangkutan ng mga nagtatrabaho sa POGO. Nariyan din ang sistematikong kurapsyon na kinasasangkutan ng mga immigration officials.

Join BAYAN on Telegram

Masyadong marami ang problema na dala ng POGO. Bahagi ng sinasabing revenues na kinikita diumano sa POGO ay nagmumula sa mga iligal na aktibidad.

Maaring maging money-laundering capital of Asia ang Pilipinas kung magpapatuloy ang ganitong kalakaran at walang regulasyon na gagawin ang gobyernong Duterte. Masyadong malambot ang administrasyon sa harap ng naghuhumiyaw na mga problema na dulot ng POGO. Kahit ang PNP ay nagsasabing may tuwirang kinalaman ang pagtaas ng krimen sa paglaganap ng POGO.#