Pagkawala ng Trabaho at Paghina ng Ekonomiya dulot ng COVID19, Dapat nang Paghandaan

Photo from sindonews.net

Nakakabahala ang ulat ng Asian Development Bank na maaaring mawalan ng $1.94 bilyon ang ekonomiya ng Pilipinas kapag humina ang ekonomiya ng mga bansa tulad ng China na sinasalanta ng COVID19. Sa worst case scenario, maaaring umabot sa 252,000 ang trabahong mawawala dahil sa economic slowdown. Sinasabi na ang ugnayan at exposure ng Pilipinas sa China ay katumbas ng 2% ng ating Gross Domestic Product noong 2018.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay export-oriented at import dependent. Nakaasa tayo sa imported na materyales mula sa China para sa ating produksyon. Ang ineexport nating produkto ay napupunta din sa China. Pag humina at bumagal ang ekonomiya ng China, apektado tayo . China ang pinakamalaking pinagkukunan nati ng imports at ikatlo sa pinakamalaking destinasyon ng exports ng Pilipinas.

Join BAYAN on Telegram

Kung maaapektuhan din ang ibang ekonomiya ng mga bansang nakaasa sa China, posibleng magkaroon din ito ng epekto sa mga OFW’s natin.

Hindi dapat maliitin ng gobyernong Duterte ang epekto ng COVID19 sa mahihinang ekonomiya tulad ng Pilipinas. Kita agad ang kakulangan at kahinaan ng export-oriented and import-dependent economy na walang pambansang industriya . Ano ngayon ang contingency ng gobyerno para sa mga Pilipinong mawawalan ng trabaho bunga ng economic slowdown? Hindi ba panahon na para palakasin ang domestic economy magkaroon ng pambansang industriyalisasyon, at hindi maging export-oriented at import-dependent na ekonomiya?

Hindi ba dapat pinaghahandaan na ang epekto ng COVID19 sa manupaktura, turismo, at iba pang industriya?

Ang COVID19 ay hindi na lamang banta sa kalusugan kundi seryosong banta na rin sa ekonomiya. Hindi dapat maliitin bagkus dapat komprehensibong paghandaan ang problemang ito.#