Kinukundena ng Bagong Alyansang Makabayan ang pagtanggal sa mahigit 140 manggagawa sa Wyeth-Nestle sa Canlubang, Laguna. Kabilang sa mga inalis sa trabaho ay mga opisyal ng unyon na umani ng suporta sa pagawaan dahil sa pagtindig sa kagalingan at karapatan ng manggagawa. Kasama ang mga manggagawa at unyon ng Wyeth-Nestle sa mga nagmartsa sa Mendiola noong Mayo Uno upang igiit ang panawagan para sa sahod, trabaho, at karapatan.
May be an image of 6 people and text
Hindi makatarungan ang malawakang tanggalan dahil bukod sa ito ay malinaw na atake sa pag-uunyon ay limpak-limpak ang kinikita ng malaking kapitalista. Naganap ang tanggalan sa panahong nagtataasan ang presyo ng mga bilihin. Dapat kagyat na bawiin ang tanggalan at ibalik agad sa trabaho ang mga manggagawa.
Kasama ang Bayan na tumitindig para sa mga manggagawa ng Wyeth-Nestle. Ang laban ng unyon ay laban din ng lahat ng Pilipinong handang kumilos para sa tama at katarungan.
Categories: Statements

0 Comments

Leave a Reply

Avatar placeholder

Your email address will not be published. Required fields are marked *