Inaanyayahan ang lahat sa isang mahalagang pag-aaral at talakayan hinggil sa 2023 Balikatan Exercises na magbubukas sa ika-11 ng Abril. Taon-taong pinapasok ng malaking bilang ng mga tropang military ng Estados Unidos ang Pilipinas. Sa kabila ng makasaysayang pagpapatalsik sa mga base military noong Setyembre 1991, ginawang lehitimo muli ang militarismong U.S. sa pamamagitan ng mga agreement sa pagitan ng U.S. at Pilipinas tulad ng Military Logistics Support Agreement (MLSA), Visiting Forces Agreement (VFA), Enhanced Defence Cooperation Agreement (EDCA) at ang hindi malusaw-lusaw na Mutual Defense Treaty (MDT, 1951).
Sa pamamagitan ng Rehimeng U.S. Marcos 2.0, may apat na area sa Pilipinas ang itinalaga ng EDCA para sa baseng militar ng U.S. Papatindi rin ang girian ng U.S. at Tsina dahil sa bagong tamong pangekonomikong pandaigdigang kapangyarihan ng huli. Ang ganitong pangyayari ay taliwas sa interes ng imperyalismong U.S. na panatilihin ang sarili bilang global hegemon o superpower sa gitna ng mga pwersang multipolar na may dalang bagong hugis at kontradisksyon sa mga giriang inter-imperyalista at maging sa kondukta ng mga kilusan para sa pambansang paglaya.
Susuriin din ang konteksto, interes at epekto ng Indo-Pacific rebaoance ng U.S. na walang ibang layunin kundi bantayan ng implewensiyang Tsina sa bahaging ito ng mundo. Paano nagkaroon ng mga ganitong hatian? Paano kondukta ng mga gobyernong sangkot sa ganitong pangyayari? Ano maaaring maging resulta nito para sa mamamayan?
Higit sa lahat, paano tayo titindig upang ipagtanggol ang ating pambansang soberanya, karapatan sa pagsasarili at karapatan sa malayang pag-oorganisa ng ating hanay upang ipaglaban ang ating mga karapatan sa gitna ng red tagging, criminalization of dissent, extra judicial killings, pagdukot sa mga development workers sa ngalan ng counterinsurgency at US militarism?
Magsama-sama tayo sa isang talakayan sa 1 April, 2023, 4PM-6PM. Tampok na tagapagsalita ay si Dr. Roland Simbulan ng Unibersidad ng Pilipinas at Renato Reyes Jr. ng BAYAN.
0 Comments