Ang Korapsyon sa Pilipinas at ang Papel ng Estados Unidos

Sinulat ni Judy Taguiwalo, unang lumabas ito online bilang bahagi ng praymer hinggil sa korapsyon sa Pilipinas.

Bumabaha ngayon sa social media ng mga isyu hinggil sa pagnanakaw sa kaban ng bayan — -ang isyu na naging sanhi ng pagtindi ng pagbaha sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. Lumilitaw sa mga ebidensiya na sa halip na mapunta sa matitibay at epektibongflood control projects, ang bilyun-bilyong pera ng mamamayan na inilaan dito ay tinipid. Pinaghati-hatian ang perang kinukarakot ng mga nasa gobyerno — -lumitaw ang pangalan ng mga miyembro ng Senado at Kongreso, at mga direktor ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Lumalabas din na substandard atnon-existent ang karamihan ng mga proyekto.

Nagdulot ito ng tumitinding galit ng mamamayang apektado ng baha. Maraming hindi makapasok sa eskwela at trabaho, nagkasakit ng leptospirosis, nasalanta ang mga pananim, nawasak ang tirahan, atbp. Sa kabila nito, nagkalat ang mga insensitibong social media posts ng mga sangkot at/o kapamilya ng mga kurakot. Tuloy pa rin ang kanilang magarbong buhay: mga mansyon, luxury cars, mamahaling hapunan, milyones na relo, at kung anu-ano pa.

Malinaw na ang korapsyon ay sistematiko. Madaling ikumpara ito sa $10 bilyong dinambong ng pamilyang Marcos Sr. noong panahon ng martial law. Kahalintulad din ito ng pork barrel scandal noong 2013 na sangkot sina Napoles, Enrile, Revilla, Estrada. Nagbunga ito ng malakihang pagkilos na tinaguriangMillion People March. Napakulong ang ilan sa mga nasakdal ngunit sa maikling panahon lamang ay napalaya na ang mga ito maliban kay Napoles. Nitong 2024 naman ay bumulaga ang isyu ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte: ang paggastos ng P125 milyon sa loob lang ng 11 araw, at ang P612.5 milyon na pondong hindi naipapaliwanag. Mismong si Presidente Marcos Jr. ay kailangang
magpaliwanag kung paano niya nagastos ang kanyang bilyones na confidential funds. Kung susuriin, mismong sa Malakanyang nanggaling ang panukalang budget na naglalaman ng mga flood control projects.

Sa ganitong sistematikong korapsyon ng mga nasa pamahalaan, malinaw ang operasyon ng burukrata kapitalismo — ang sistema ng paggamit ng posisyon sa gobyerno (burukrasya) para magkamal ng yaman, ari-arian, poder at kita (kapitalismo).

Ang Papel ng Imperyalismong Estados Unidos sa kalakaran ng Korapsyon sa Ating Bayan

Habang malinaw na ang mga opisyal ng pamahalaan at ang kanilang mga tagasuportang malalaking negosyante at panginoong maylupa ay lantarang nakikinabang sa korapsyong nangyayari sa ating bayan, lantad din ang papel ng Estados Unidos sa ganitong kalakaran.

PROMOTOR

Kasabwat at nakikinabang ang US sa malaganap na korapsyon sa ating bayan.
Sa panahon ng direktang kontrol sa Pilipinas, itinayo at pinalakas nito ang paghahari ng mga lokal na “elite” at ang sistemang patronage o padrino, kung saan tinitiyak ng mga pulitiko na may utang na loob sa kanila ang mamamayan. Isa sa mga modus nito ay ginagawang personal ang mga
serbisyong pampubliko tulad ng ayuda o tulong pangkalusugan. Umiiral sa ngayon ang paghahari ng mga elite kaya ang sistemang padrino ay pinalala pa ng pagpapanatili ng mga political dynasties.

KASABWAT

Patuloy na sinusuportahan ng sistemang ito ang mga rehimeng korap at lumalabag sa mga karapatang pantao. Ginagarantiyahan ito ng Imperyalistang US sa pamamagitan ng pautang, suportang militar, at iba pa. Samantala, hindi nito pinapanagot ang mga korap na opisyal na napatunayang nagnakaw sa kaban ng bayan. Halimbawa dito ang pagkupkop sa napatalsik nang si Marcos Sr. sa Hawaii matapos ang pag-aalsa ng mamamayan noong 1986.

NAKIKINABANG

Sa pagpapanatili ng sistemang ito sa Pilipinas, nakikinabang nang husto ang Estados Unidos at naisusulong nito ang kanyang pang-ekonomiya at pang-militar na interes. Ipinatutupad ng mga opisyal ng Pilipinas ang mga patakarangneoliberal na nagbibigay bentahe sa kalakalan sa Estados Unidos. Kakabit nito ang pribatisasyon at liberalisasyon na tuluyang sumisira sa lokal na agrikultura at manupaktura sa bansa. Ito ang sanhi ng pagsirit ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. Kasabwat dito ang mga korap na opisyal na nagpapalawak pa ng mga base ng Estados Unidos sa Pilipinas, nagpapasok ng mga kagamitang pandigma, at nagpapagamit ng mga lupain natin sa kanilang mga war exercises. Ginagawa na dito sa Pilipinas ang mga paghahanda na maging lunsaran ng gera ng Estados Unidos laban sa Tsina at iba pang bansa.

Malinaw ang pananahimik ng administrasyong Trump sa mga isyu ng nakaw na yaman at korapsyon ng pamilyang Marcos. Makikita ito sa kanilang pagtrato kay Marcos Jr. simula pa noong mahalal ito bilang pangulo.

Kung tutuusin ay nakabimbin pa na kaso laban kay Marcos Jr. sa Hawaii. Ito ay kaugnay ng hindi nito pagpapatupad sa desisyon ng korte ng Hawaii noong 1995 na nag-uutos ng pagbabayad ng $2 bilyon bilang bayad-pinsala sa mga human rights victims noong panahong ng panunungkulan
ng kanyang ama. Siya ang “executor” ng estate ng kanyang ama, ngunit hindi niya ipinatupad ang desisyong ipamahagi ang bayad-pinsala sa mga biktima. Dahil dito, sinisingil ng korte si Bongbong ng $353 milyon para sa “contempt judgment”.

Gayunpaman, sunud-sunod na dalaw ni Marcos Jr. sa Washington at sa New York ang pinayagan ng gobyernong US noong presidente na ito. Bilang kapalit, maraming kasunduang pabor sa Estados Unidos ang pinirmahan ni Marcos Jr., tulad ng dagdag na base sa Pilipinas, zero tariff sa mga produkto ng US, at kung anu-ano pa.

Patunay na interes lamang ng Estados Unidos ang isinusulong nito sa relasyon sa Pilipinas. Malinaw rin na promotor, kasabawat at nakikinabang ito sa sistema ng korapsyon at burukrata kapitalismo sa Pilipinas.

Tahimik ang Estados Unidos sa isyu ng korapsyon ni Marcos Jr.

Malinaw ang pananahimik ng administrasyong Trump sa mga isyu ng nakaw na yaman at korapsyon ng pamilyang Marcos. Makikita ito sa kanilang pagtrato kay Marcos Jr. simula pa noong mahalal ito bilang pangulo.

Kung tutuusin ay nakabimbin pa na kaso laban kay Marcos Jr. sa Hawaii. Ito ay kaugnay ng hindi nito pagpapatupad sa desisyon ng korte ng Hawaii noong 1995 na nag-uutos ng pagbabayad ng $2 bilyon bilang bayad-pinsala sa mga human rights victims noong panahong ng panunungkulan ng kanyang ama. Siya ang “executor” ng estate ng kanyang ama, ngunit hindi niya ipinatupad ang desisyong ipamahagi ang bayad-pinsala sa mga biktima. Dahil dito, sinisingil ng korte si Bongbong ng $353 milyon para sa “contempt judgment”.

Gayunpaman, sunud-sunod na dalaw ni Marcos Jr. sa Washington at sa New York ang pinayagan ng gobyernong US noong presidente na ito. Bilang kapalit, maraming kasunduang pabor sa Estados Unidos ang pinirmahan ni Marcos Jr., tulad ng dagdag na base sa Pilipinas, zero tariff sa mga produkto ng US, at kung anu-ano pa.

Patunay na interes lamang ng Estados Unidos ang isinusulong nito sa relasyon sa Pilipinas. Malinaw rin na promotor, kasabawat at nakikinabang ito sa sistema ng korapsyon at burukrata kapitalismo sa Pilipinas.