May be a cartoon of text

Simple lang. Kabuhayan na ang nakataya dito. Tatanggalin ang traditional jeeps at ipapalit ang mga “modern” jeeps na halagang P2.4 – P2.6 million. Sobrang mahal, di kakayanin ng mga ordinaryong tsuper. Mawawalan sila ng trabaho.

Gusto ng gobyerno ang fleet management scheme na may minimum 15 units ng jeep sa isang korporasyon o cooperative. Pero dahil nga mahal ang jeep, yung malaking korporasyon lang ang may kaya ng 15 units, at mahihirapan sumabay ang maliliit na drivers kahit may co-op.

At dahil mahal ng ang mga jeeps, may inaasahang pagtaas din ng pamasahe para mabayaran ang cost ng modern jeeps. Money-making scheme itong “modernization” sa totoo lang. Kikita na naman ang iilan.

Ano ang dapat gawin? Dapat magkaisa at labanan ng mga tsuper at commuter ang profit-oriented modernization program. Ang modernization, una sa lahat, dapat socially just, makatarungan. Hindi dapat magresulta ito sa pagkawala ng kabuhayan ng mga tsuper.

May be a cartoon of text that says "YEST PRO-PEOPLE MODERNIZATION IZATION BAYAN"

Dapat ipaglaban ng tsuper at commuter ang government subsidy para sa mga bagong jeeps. Sa halip na Maharlika Fund, ang pondohan dapat ng gobyerno ay ang pagbili ng bagong jeeps at gawing abot-kaya ito para sa mga tsuper.

Dapat itulak din ang local production ng jeeps, hind puro importation. Kaya natin gumawa ng jeep sa Pilipinas, kung may suporta lang mula sa gobyerno. Hindi natin kailangan mag-import palagi. Paunlarin natin ang domestic economy, lumikha ng bagong trabaho para sa Pilipino.

Pansamantala lang ang abala na dulot ng strike. Pangmatagalan ang epekto ng “modernization” sa kabuhayan ng mga drivers at mga commuters. Suportahan natin ang strike, makiisa sa protest centers, mag-ambag ng pagkain at tubig, at sama-samang manawagan ng #NoToJeepneyPhaseout at Yes to pro-people modernization!

 

 

Categories: Statements

0 Comments

Leave a Reply

Avatar placeholder

Your email address will not be published. Required fields are marked *