Buong mundo may problema sa new variants oo, pero ang Pilipinas ang pinakamabilis ang pagakyat ng new cases sa ASEAN as of March 28.
Kulelat pa rin tayo sa bakuna at nakaasa sa donasyon. Wala o kulang ang ayuda para sa mga walang trabaho. Napakababa ng testing rate natin sa harap ng mataas na positivity rate. Nauna na naman ang paghihigpit bago naihanda ang tulong sa tao. Ang daming hirap sa transportation kaninang umaga.
Problema sa gobyerno lahat ito, hindi sa virus, hindi sa variant.
Hindi pagiging talangka ang pumuna ng mali. Pagiging responsableng mamamayan iyon. Parang sa inyo, kasalanan na ng lahat, pwera lang ng gobyerno. #
Categories: Statements
0 Comments