Itigil ang cover up sa VIP vaccination!

Matapos aminin na smuggled at walang FDA approval ang COVID vaccine na ginamit ng PSG at ilang opisyal, pilit na pinapalabas ng mga opisyal ng gobyerno na walang problema o krimen na naganap. Maling mali ito at nagpapakita na naman ng double standards sa batas.

1. Smuggled at walang papeles ang mga vaccine na pumasok sa bansa. Hindi nalulutas ng “good intentions” ang kamaliang ito.
2. Walang FDA approval ang mga vaccine na ito. Walang monitoring ang gobyerno kung ano ang maaaring epekto nito sa mga naturukan.
3. Walang awtoridad ang PSG para pumasok sa anumang negosasyon sa vaccine, lalo pa at hindi ito alam ng DOH. National government lang ang maaaring pumasok sa negosasyon.
4. Kung regalo ang vaccine, ito ay kaso ng graft dahil di dapat tumatanggap ng regalo ang mga opisyal. Ano ang kapalit ng regalo?
5. Walang naniniwala na nagsariling kilos ang PSG. May authorization yan ng Pangulo.

Hindi maaaring isantabi ang mga paglabag na ito. Ginawang walang kwenta ang FDA at vaccine protocols natin. Sabi “we heal as one” pero kanya-kanya at nauna na naman ang mga opisyal. Kalabisan na sabihing walang mali sa nangyaring illegal vaccination. Dapat may managot. Dapat matigil ang double standards sa pagpapatupad ng batas.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *