Palayain si Paul Viuya

Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, tuloy-tuloy pa rin ang pamamasista ng Rehimeng Duterte sa mga progresibong mga organisasyon. Ngayong araw ay iligal na inaresto si Paul Viuya, Tagapangulo ng Bagong Alyansang Makabayan Gitnang Luson (BAYAN GL) sa Anupul, Bamban, Tarlac. Gamit ang search warrant, ni-raid ng CIDP PNP Tarlac ang kanyang tinuluyang bahay at ayon na rin sa mga nakasaksi ay tinamnan ito ng armas. Ayon sa nakausap na CIDG personnel ng anak ni Viuya, dinala raw umano ito sa Camp Macabulos. Kasalukuyang nag-aantay ang pamilya sa labas ng Camp Mabulos, Tarlac City.

Si Pol Viuya ay kilalang lider manggagawa at organisador. Pinamunuan niya ang Workers’ Alliance in Region 3 (WAR 3) bago nahalal bilang Tagapangulo ng BAYAN GL. Sa ilang dekadang pakikibabaka ni Pol, nakilala siya sa pagsusulong ng karapatang ng mga manggagawa at mga mamamayan sa rehiyon ng Gitnang Luzon.
#StopTheAttacks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *